VIGAN
Ang mga tula ko ay mga ligaw na salita --
 Naghahanap ng kani-kanilang mga lugar. 
Pagala-gala. Paikot-ikot 
Binabagtas ang bawat iskinita, 
sinisisid ang bawat kalsada 
sa pag-asang makahahanap ng 
palatandaan pauwi 
sa kani-kanilang mga tahanan. 

Hanggang sa nakilala kita. 
Matiyagang itinuro ng mga yakap mo 
sa mga tula ko ang daan pauwi. 
Ang mga ngiti mo ang nagsilbing 
ilaw na nagpaliwanag sa bawat 
madidilim na pasilyo, 
at sa bawat paglalakbay ng bawat isa, 
pag-ibig mo ang naging gabay hanggang sa 
ang mga estrangherong salitang ito
 ay naging pamilyar muli sa 
daang binabaybay nila; 

Papunta sa yo. 

Ikaw, ang dahilan kung bakit ako sumusulat ng mga 
tulang tungkol sa pag ibig. 
Ikaw, ang ibig, at sa'yo lamang ako libig. Ikaw, ang tahanan nitong mga tula ko.

VIGAN
Published:

Owner

VIGAN

Published:

Creative Fields